Welcome to Calapan City!

BREAKING BARRIERS: Tungo sa Mas Inklusibong Serbisyo para sa mga Calapeno

Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa inisyatibo nina Calapan City Mayor Doy C. Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio, ang “Breaking Barriers: Advanced Sign Language Seminar for Inclusive Public Service.”
 
Sa pamamagitan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) sa pamumuno ni PDAO Head Madam Glenda Valerio, katuwang ang City Human Resource Management Department (CHRMD), isinagawa ang seminar upang higit pang mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga kawani ng pamahalaan sa paggamit ng sign language.
 
Layunin ng programang ito na palakasin ang kakayahan ng mga lingkod-bayan na makapaghatid ng mas inklusibo, episyente, at makataong serbisyo publiko para sa mga kapatid nating mayroong hearing at speech disability/impairment.
 
Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan na itaguyod ang pantay na oportunidad, accessibility, at pagbibigay-halaga sa karapatan at kapakanan ng mga persons with disabilities (PWDs).
 
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng PDAO at City Human Resource Management Department, patuloy na isinusulong ang isang mas inklusibo, makatao, at serbisyong pampublikong bukas para sa lahat ng Calapeño.
 
— Author: Kate R. Redublo/CIO