


Isang mahalagang Coordination Meeting ang matagumpay na isinagawa sa pangunguna nina City Mayor Doy Leachon at Fr. Vic Uy, Overall Coordinator at Judicial Vicar ng Diyosesis, kasama ang City Youth and Sports Development Department (CYSDD) sa pamumuno ni Mr. Marvin L. Panahon.
Mainit na pinag-usapan sa pagpupulong ang mga huling paghahanda para sa nalalapit na Soltare Cup XVII (South Luzon – Tagalog Region Cup) na gaganapin sa iba’t ibang venues sa ating lungsod ngayong Agosto 3, 2026.
Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang:
Sa pagtutulungan ng ating Pamahalaang Lungsod, ng Simbahan, at ng CYSDD, nakahanda na ang ating lungsod upang magbigay ng isang maayos, ligtas, at masayang karanasan para sa ating mga mga panauhin.