




Pormal nang sinimulan ngayong Hulyo 20, 2026 ang Social Assistance Program 2026 – Validation ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pangunguna nina City Mayor Doy C. Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio, sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Department sa pamamahala ni CSWDO Madam Juvy Bahia, RSW.
Ang validation ay isasagawa mula Hulyo 20 hanggang Hulyo 28, 2026, kung saan tinatayang nasa 2,848 na benepisyaryo ang sasailalim sa masusing beripikasyon ng kanilang mga datos at kwalipikasyon.
Layunin ng prosesong ito na matiyak na ang tulong at serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan ay naipararating sa mga tunay na kuwalipikado at higit na nangangailangan. Mahalaga rin ang validation upang mapanatiling tama at updated ang talaan ng mga benepisyaryo, na nagsisilbing batayan sa mahusay na pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan.
Sa pamamagitan ng maayos at sistematikong validation, higit na napapalakas ang transparency, pananagutan, at epektibong paghahatid ng mga serbisyong pangmamamayan. Patunay ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lungsod na magbigay ng inklusibo at makataong serbisyo para sa bawat Calapeño.
— Author: Kate R. Redublo/CIO