Welcome to Calapan City!

CDRRMC CALAPAN, NAGSAGAWA NG INCIDENT COMMAND SYSTEM (ICS) EXECUTIVE COURSE PARA SA MAS PINALAKAS NA KAHANDAAN

ilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan at kakayahan ng mga kawani sa pagtugon sa sakuna at iba pang emergency, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno nina City Mayor Doy C. Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio, sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction and Management Department at City Disaster Risk Reduction and Management Council, sa inisyatibo ni DRRM Officer Dennis Escosora, ang Incident Command System (ICS) Executive Course for CDRRMC Calapan.
 
Layunin ng pagsasanay na higit pang palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa epektibong pamamahala ng mga insidente at sakuna gamit ang Incident Command System (ICS), isang kinikilalang sistema sa organisado at koordinadong pagtugon sa iba’t ibang uri ng emergency.
Kabilang sa mga pangunahing paksa na tinalakay sa kurso ang ICS Organization and Staffing, Managing Planned Events and Incidents, Common Responsibilities, gayundin ang Post-Exam and Training Course Evaluation, na nagbigay ng pagkakataon sa mga kalahok na masukat at mapagtibay ang kanilang natutunan.
 
Nagbahagi ng kanilang kaalaman at malawak na karanasan ang mga resource speaker na sina Maria Aiza Siason ng Office of Civil Defense (OCD) MIMAROPA, SFO4 Lizelda Reyes, Municipal Fire Marshal ng Victoria, Mr. John Bosco Quilit, LDRRMO II – Chief Operations and Warning ng Occidental Mindoro, at Ms. Mannylyn Guevarra, LDRRMO III at OIC Research and Planning ng Provincial DRRMO ng Oriental Mindoro.
 
Sa pamamagitan ng mga ganitong pagsasanay, patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang mas malawak na kahandaan upang matiyak ang mabilis, maayos, at episyenteng pagtugon sa panahon ng kalamidad at hindi inaasahang pangyayari. Patunay ito ng patuloy na pagsusulong ng CGC ng isang ligtas, matatag, at handang Lungsod ng Calapan para sa bawat mamamayan.
 
— Author: Kate R. Redublo/CIO