Welcome to Calapan City!

HAPPY MONDAY, CALAPENO: FLAG RAISING CEREMONY – JULY 20, 2026

Muling binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang isang panibagong linggo ng paglilingkod sa pamamagitan ng ginanap na regular na Flag Raising Ceremony ngayong umaga.
​
Pinangunahan ni City Mayor Doy Leachon, kasama ang Sangguniang Panlungsod, ang nasabing pagtitipon upang magbigay-sigla at direksyon sa buong kawani ng pamahalaang lokal.
​Highlights ngayong umaga:
 
​🏆 Pagkilala sa mga Employee of the Month: Ipinakilala at binigyang-dangal ang mga natatanging empleyado na nagpakita ng natatanging dedikasyon sa kanilang tungkulin.
​📝 Ratification ng CGCEA: Opisyal na isinagawa ang ratipikasyon ng City Government of Calapan Employees Association upang mas palakasin ang kapakanan ng ating mga kawani.
​🗓️ Pagbabalik ng 5-Day Workweek: Inanunsyo ang opisyal na pagbabalik ng regular na limang araw na pasok sa City Hall. May pasok na muli tuwing araw ng Biyernes upang mas mabilis at tuloy-tuloy na maipaabot ang serbisyo sa bawat Calapeño!
 
​Patuloy tayong magkakapit-bisig para sa mas maunlad at masiglang Lungsod ng Calapan!