




Ginanap noong nakaraang Hulyo 16, 2026, ang Barangay Governance Forum sa Calapan City Convention Center upang mas mapatibay ang ugnayan, kaayusan, at serbisyo sa bawat komunidad ng ating lungsod.
Ang makabuluhang forum na ito ay matagumpay na pinangunahan nina City Mayor Doy Leachon, Vice Mayor Bim Ignacio, kasama ang buong Sangguniang Panlungsod, at katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na siyang nanguna rin sa paggabay sa diskurso ukol sa mabuting pamamahala sa antas-barangay.
Naging kabahagi at nakiisa sa malawak na talakayang ito ang mga sumusunod:
Sa pagtutulungan ng DILG, ng ating ehekutibo at lehislatibong sangay, ng mga departamento ng City Hall, at ng mga pamunuan ng barangay, tinitiyak natin na ang bawat plano ay tapat, direkta, at may sapat na suporta para sa ikabubuti ng bawat Calapeño.
Patuloy ang tapat na serbisyo, dahil sa Calapan, sama-sama tayo sa pag-unlad!