




Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month, matagumpay na isinagawa sa Lungsod ng Calapan ang National CPR Day – ZapPinas 26 na may temang “Isang Barangay Patungong CPR-Ready Philippines.”
Ang programa ay pinangunahan ng City Government of Calapan sa pangunguna nina Mayor Doy C. Leachon, Vice Mayor Bim Ignacio, at Dr. Basilisa Llanto ng City Health and Sanitation Department sa pakikipagtulungan ng Philippine Heart Association – Council on Cardiopulmonary Resuscitation. Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo naman ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) sa pamumuno ni DRRM Officer Dennis Escosora.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kahandaan ng bawat barangay sa pagtugon sa mga emergency, lalo na sa mga insidenteng may kaugnayan sa cardiac arrest at iba pang sitwasyong nangangailangan ng agarang first aid at quick response.
Kabilang sa mga naging highlight ng programa ang Basic Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) Training, tamang paggamit ng Automated External Defibrillator (AED), at demonstrasyon ng Hands-Only CPR, na nagbigay ng mahalagang kaalaman at praktikal na kasanayan sa mga kalahok upang maging handa sa pagliligtas ng buhay.
Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang pagtataguyod ng isang ligtas, handa, matatag at mas resilient na Calapan.
— Author: Kate R. Redublo/CIO