Welcome to Calapan City!

Ligtas na Pagkain, Kaunlarang Angkin

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang kaligtasan at kalusugan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng matagumpay na pagdaraos ng Food Safety Seminar, sa pangunguna nina Calapan City Mayor Doy C. Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio.
 
Pinangunahan ng City Economic Enterprise Department (CEED) sa pamamahala ni EnP. Nepo Jerome Benter, CEEDO, ang nasabing programa katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang City Health and Sanitation Department sa pamumuno ni Dr. Basilisa Llanto, CHO.
 
Layunin ng seminar na palawakin ang kaalaman ng mga food business operators, vendors, at iba pang food handlers hinggil sa wastong paghahanda, paghawak, at pagbebenta ng pagkain alinsunod sa mga itinakdang pamantayan sa food safety. Sa pamamagitan nito, higit na napapalakas ang kakayahan ng mga negosyante na makapaghatid ng ligtas, de-kalidad, at mapagkakatiwalaang pagkain sa Calapeño.
 
Higit pa sa pagsunod sa mga regulasyon, ang ganitong mga programa ay mahalagang pamumuhunan para sa kapakanan ng bawat Calapeño. Ang ligtas na pagkain ay nangangahulugan ng mas malusog na pamayanan, mas mataas na tiwala ng mga mamimili, mas matatag na kabuhayan ng mga negosyante, at mas maunlad na lokal na ekonomiya.
 
— Author: Kate R. Redublo/CIO