



Ginanap ang isang mahalagang pagpupulong sa pangunguna ng City Human Resource Management Department (CHRMD) kasama ang mga Designated Administrative Officers mula sa iba’t ibang departamento at tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan.
Pangunahing adenda ng pagtitipon ang patuloy na isinusulong na paggamit ng City Human Resource Management Information System (CHRMIS). Layunin ng digital na sistemang ito na maging mas mabilis, makabago, at naaangkop ang pagtugon sa mga napapanahong pangangailangan ng ating mga kawani.
Sa pamamagitan ng aktibong pakikiisa at pakikipagtulungan ng ating mga Administrative Officer Designates sa pag-aayos at pagpapahusay ng CHRMIS, mas pinagtitibay natin ang pananagutan (accountability), kahusayan (efficiency), at pagiging responsable ng bawat empleyado ng lungsod.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pagyakap sa mga makabagong teknolohiya para sa mas tapat at epektibong pamamahala!