


Isinagawa ngayong ika-8 ng Hulyo ang “Exploring Franchising: A Guide for Business Owners and Aspiring Entrepreneurs” na inorganisa ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon, sa pamamagitan ng Calapan City Trade and Industry Department (CTID) katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI).
Layunin ng pagsasanay na bigyang gabay ang mga kasalukuyan at nagnanais magsimula ng negosyo tungkol sa mga oportunidad, proseso, at mahahalagang konsiderasyon sa pagpasok sa franchising bilang isang estratehikong paraan ng pagpapalago ng negosyo.
Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, mas napapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga lokal na negosyante upang makagawa ng mas matalinong desisyon sa negosyo, makapagtayo ng mas matatag na mga oportunidad pangkabuhayan, at makatulong sa paglikha ng mas maraming trabaho para sa komunidad.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pagsusulong ng mga inisyatibang nagbibigay kapangyarihan sa mga negosyante at nagpapalakas sa lokal na ekonomiya tungo sa mas masigla, mas maayos at mas progresibong lungsod.
— Author: Kate R. Redublo/CIO