



Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ang Food Safety Seminar para sa mga food handlers sa lungsod sa pangunguna ng City Trade and Industry Department (CTID) katuwang ang City Health and Sanitation Department (CHSD), ika 7 ng Hulyo.
Layunin ng programa na palawakin ang kaalaman ng mga food handlers tungkol sa wastong paghahanda, paghawak, at paghahatid ng pagkain upang matiyak ang kalinisan, kalidad, at kaligtasan ng mga pagkaing inihahain para sa bawat Calapeño.
Ang nasabing seminar ay patunay ng patuloy na pagtutok ng Pamahalaang Lungsod sa pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan—prayoridad nina Mayor Doy C. Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio, na patuloy na magsusulong ng mga programang nagtitiyak ng ligtas at maayos na serbisyo para sa buong komunidad.
Pinangunahan ang aktibidad ng City Health and Sanitation Department sa pangunguna ni City Health Officer (CHO) Dr. Basilisa Llanto., katuwang ang City Trade and Industry Department sa pamumuno naman ni Ms. Joanne Leynes, OIC CTID.
Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatibo, patuloy na pinapalakas ang kamalayan at responsibilidad ng mga food handlers upang mapanatili ang ligtas na pagkain, ligtas na buhay para sa lahat ng Calapeño.
— Author: Kate R. Redublo/CIO