Welcome to Calapan City!

TUNAY NA PARA SA BAWAT CALAPENO!

Higit na mas organisado, kalmado, at maayos ang naging takbo ng Day 2 ng Passport on Wheels — document evaluation, encoding, hanggang sa payment, na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni Mayor Doy C. Leachon, sa pamamagitan ng City PESO at ng Department of Foreign Affairs (DFA).
 
Patuloy na ipinakita ng bawat kawani at katuwang na ahensya ang kanilang dedikasyon upang matiyak ang mabilis, maayos, at episyenteng serbisyo para sa bawat Calapeño.
Higit sa lahat, napuno ang ikalawang araw ng mensahe ng pasasalamat mula sa mga Calapeñong naging bahagi ng naturang POW.
 
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nagtiwala. Patuloy po nating ilalapit ang mga serbisyong tunay na para sa bawat Calapeño.
 
Author: Kate R. Redublo/CIO