Welcome to Calapan City!

Kalingang Agad, Kaligtasan ang Hangad

Muling pinatunayan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pangunguna nina City Mayor Doy C. Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio, ang seryosong hangarin na pangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng paglalagay ng kauna-unahang publicly accessible Automated External Defibrillators (AEDs) sa Oriental Mindoro.
 
Sa pamamagitan ng Calapan City Disaster Risk Reduction and Management Department (Cdrrmd, Calapan Mindoro) sa pamumuno ni DRRM Officer Dennis Escosora, inilagay ang mga AED sa Executive Building (City Hall), Brgy. Guinobatan, at Calapan City Public Market upang makapagbigay ng agarang life-saving intervention sa mga kaso ng sudden cardiac arrest habang hinihintay ang pagdating ng mga emergency responder.
 
Nilagyan na rin ng mga AED ang mga ambulansya ng CDRRMD upang higit pang mapalakas ang Emergency Medical Services at makapaghatid ng mas mabilis at mas epektibong pre-hospital emergency care para sa mga Calapeño.
 
Ang proyektong ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa layunin ng Lungsod ng Calapan na maging isang heart-safe, mas ligtas, at mas matatag na komunidad, kung saan ang bawat buhay ay pinahahalagahan.
 
— Author: Kate R. Redublo/CIO