



Patuloy ang document evaluation, encoding, at payment para sa Passport on Wheels (POW) upang mapabilis at mapagaan ang proseso ng pagkuha ng pasaporte ng mga Calapeño. Sa pamamagitan ng City PESO, katuwang ang Department of Foreign Affairs (DFA), at sa inisyatiba ni Mayor Doy C. Leachon, tuloy-tuloy ang paghahatid ng serbisyong naglalayong mas mapalapit at maging mas madali ang paghahatid ng iba’t-ibang serbisyo para sa mga mamamayan ng Calapan.
Sa kabila ng ilang komento, nananatiling nakatuon ang pamahalaang lungsod ng Calapan sa patuloy na pagkilos at paglilingkod. Hindi naging hadlang ang mga puna upang maipagpatuloy ang serbisyong tunay na inuuna ang kapakanan ng bawat Calapeño.
Ito po ay pagpapatuloy lamang ng proseso ng document evaluation, encoding at payment para sa mga indibidwal na nakapag-secure ng kanilang POW slot kahapon, July 1.
— Author: Kate R. Redublo/CIO