Maaga pa lamang ay marami nang mga Calapeño ang nagtiyagang pumila upang masiguro ang kanilang pagkakataong makapagproseso ng pasaporte sa isinasagawang Passport on Wheels ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni City Mayor Doy C. Leachon, katuwang ang City PESO at ang Department of Foreign Affairs (DFA).
Disiplina, tiyaga, at kaayusan ang ipinamalas ng mga aplikante habang maayos naman silang inaalalayan at ina-assist ng mga kawani ng City PESO, DFA, at iba pang kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan. Sa pamamagitan ng kanilang koordinasyon at dedikasyon, naging organisado at mas magaan ang bawat transaksyon.
Naging maayos at patas ang buong proseso sapagkat walang pinipili—bukas ito para sa lahat ng Calapeño na may kumpleto at wastong mga requirements. Ang naging kaibahan lamang ay ang pagiging maagap ng ilan sa pagdating at pagpila upang matiyak ang kanilang slot.
Patuloy na inilalapit ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang mga serbisyong tunay na kapaki-pakinabang sa bawat mamamayan.
Author: Kate R. Redublo/CIO