Welcome to Calapan City!

Healthy Moves, Happy Workplace!

Bilang bahagi ng pagsusulong ng isang mas malusog at masiglang hanay ng mga kawani, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni Mayor Doy C. Leachon, sa pamamagitan ng CYSDD, ang Zumba Wellness Session para sa mga empleyado ng City Government of Calapan (CGC).
 
Layunin ng gawaing ito na mapanatili ang mabuting kalusugan, mapalakas ang pangangatawan, at mahikayat ang aktibong pamumuhay sa gitna ng abalang work schedule sa paglilingkod sa Calapeño. Sa pamamagitan ng pagsasayaw at pag-eehersisyo, nabibigyan ng pagkakataon ang mga kawani na mabawasan ang stress, mapanatili ang positibong kaisipan, at mapahusay ang kanilang pisikal na pangangatawan.
 
Mahalaga ang mga programang tulad nito sapagkat ang pagkakaroon ng malusog na manggagawa ay susi sa mas mahusay, mas produktibo, at mas masiglang serbisyo para sa mamamayan ng Calapan. Patunay ito ng patuloy na pagpapahalaga ng pamahalaang lungsod sa kapakanan at kabuoang wellness ng bawat kawani.
 
Author: Kate R. Redublo/CIO