Welcome to Calapan City!

SENTRO NG PAG-UNLAD: CALAPAN CITY DEVELOPMENT COUNCIL FULL COUNCIL MEETING, GINANAP

Matagumpay na idinaos kahapon sa Calapan City Convention Center ang Full Council Meeting ng City Development Council sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon.
Layunin ng pagpupulong na ito na mas mapagtibay ang mga plano at programa para sa patuloy na pag-angat ng ating lungsod. Nilahukan ito ng mga sumusunod:
Mga Department Heads at Program Managers ng City Government.
Iba’t ibang sektor, samahan, at civil society organizations.
Mga konsernadong ahensya ng pamahalaan at mga kapitan ng bawat barangay.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng bawat sektor, tinitiyak natin na ang bawat proyekto ay tumutugon sa tunay na pangangailangan ng bawat Calapeño.