Welcome to Calapan City!

HAPPENING NOW: JOB FAIR PARA SA MGA CALAPEÑO!

Kasalukuyan nang isinasagawa ang ating Job Fair ngayong umaga dito sa 2nd Floor ng Calapan City Hall. Layunin ng aktibidad na ito, sa ilalim ng pangangasiwa ng City Public Employment Service Office (PESO), na magbukas ng mga pintuan ng oportunidad para sa ating mga kababayan.
Alinsunod sa adhikain ni City Mayor Doy Leachon, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ang target na makapagbigay ng isang libong (1,000) trabaho kada taon para sa mga Calapeño.
Saan: City Hall, 2nd Floor
Sino: 18 taong gulang pataas
Requirement: Magdala ng inyong updated Resume
Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Magtungo na at simulan ang iyong career journey ngayon.