Ika-12 ng Mayo, isinagawa ang Basketball Training ng City Youth and Sports Department sa Barangay Ilaya Covered Court, bilang bahagi ng patuloy na MBS Sports Clinic, Music & Arts Workshop ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan para sa kabataang Calapeño, sa pangunguna ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon.
Sa aktibidad na ito, mas pinaigting ang pagsasanay ng mga kabataang manlalaro sa larangan ng basketball upang malinang ang kanilang kaalaman sa basic skills tulad ng dribbling, passing, shooting, at defensive techniques, kasama ang kanilang kasanayan at disiplina sa paglalaro.
Layunin ng programa na hubugin ang potensyal ng kabataan, palakasin ang sportsmanship, at maihanda sila sa mas mataas pang antas ng kompetisyon sa larangan ng palakasan.
Patuloy ang suporta ng City Youth and Sports Department sa mga programang nagbibigay oportunidad upang umangat ang talento at kakayahan ng kabataan sa lungsod.
Crisiell De Jaro / CIO SPES










