Patuloy ang pagpapakitang-gilas ng ating mga kabataan sa ginaganap na MBS Sports Clinic, Music & Arts Workshop! Isa ang Basic Graphic Design sa mga kursong dinagsa ng mga kabataang nais mahasa ang kanilang talento sa larangan ng digital arts at visual communication.
Naging mentor sa nasabing workshop si Mr. RJ Garcia mula sa City Information Office, kung saan ibinahagi niya ang mga teknikal na kaalaman at tips sa paggawa ng mga de-kalidad na disenyo.
Ang tagumpay ng aktibidad na ito ay bunga ng masigasig na pagtatrabaho ng City Youth and Sports Development Department sa pamumuno ni Mr. Marvin Panahon. Ito ay bahagi ng mahalagang inisyatiba ni City Mayor Doy Leachon upang masiguro na ang bakasyon ng ating mga kabataan ngayong summer season ay maging makabuluhan, produktibo, at puno ng bagong kaalaman.










