Welcome to Calapan City!

MBS SPORTS CLINIC, MUSIC AND ARTS WORKSHOP

Hasain ang galing, kabataan ay huhubugin!
MBS Sports Clinic, Music & Arts Workshop
Sa pangunguna ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon katuwang ang CYSDD, matagumpay na isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang MBS Sports Clinic, Music & Arts Workshop para sa kabataang Calapeño.
Iba’t ibang sports clinic at art workshops ang isinasagawa ngayon upang malinang ang talento, kakayahan, at pagkamalikhain ng ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng programang ito, nahuhubog hindi lamang ang kanilang talento kundi maging ang disiplina, tiwala sa sarili, teamwork, at pagmamahal sa sining at palakasan.
Patunay ito na sa angkop na gabay at suporta, mas lalong sisigla at aangat ang kinabukasan ng ating mga kabataan.
 
#AksyonAgadII
#MaayosnaBayanSigurado
 
Kate R. Redublo/CIO