Isang makabuluhan at punong-puno ng pag-asang pagdiriwang ng National Solo Parents Day ang naganap sa ating lungsod! Nagtipon-tipon ang mga Solo Parents ng Lungsod ng Calapan upang ipagdiwang ang kanilang katatagan at dedikasyon sa pamilya.
Ang aktibidad na ito ay matagumpay na naisagawa sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Department (CSWDD) sa pamumuno ni Ms. Juvy Bahia RSW, katuwang ang ating mga aktibong Konsehal ng Lungsod at iba’t ibang konsernadong ahensiya na kaisa sa layuning itaguyod ang kapakanan ng bawat solo parent.
Mensahe ni City Mayor Doy Leachon, buo ang kanyang suporta sa sektor na ito. Binigyang-diin ng ating Punong Lungsod na sa ilalim ng kanyang pamumuno, walang maiiwan—ang lahat ng sektor na kailangang kalingain ay bibigyang-halaga at pagtutuunan ng pansin sa ating lipunan.
#NationalSoloParentsDay #CalapanCity #YakapAtKalinga #MayorDoyLeachon #SerbisyongMayPuso #CSWDDCalapan













