Kitang-kita ang mga ngiti at excitement sa mukha ng ating mga kabataang Calapeño sa kanilang Dancing Workshop sa ilalim ng MBS Sports Clinic, Music & Arts. Dito, hindi lang sila natututo ng tamang indayog, kundi natututo rin silang makisalamuha at magkaroon ng lakas ng loob sa harap ng maraming tao.
Salamat kay City Mayor Doy Leachon sa programang ito na nagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan na mahubog ang kanilang mga talento. Saludo rin tayo sa City Youth and Sports Development Department sa pangunguna ni Mr. Marvin Panahon sa maayos na pangangasiwa ng workshop na ito.
Tara na at saksihan ang galing ng Calapeño!






