Muling inilunsad ang MBS Zumba sa pangunguna ni City Mayor Doy C. Leachon katuwang ang City Youth and Sports Development Office sa pamumuno ni Mr. Marvin L. Panahon.
Layon ng programang ito na hikayatin ang bawat Calapeño na maging aktibo at mapanatili ang magandang kalusugan sa pamamagitan ng sama-samang pag-eehersisyo at zumba activities. Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang mga programang nakatuon sa wellness, healthy lifestyle, at pagkakaisa ng komunidad para sa mas masigla at malusog na mamamayan.








