HAPPENING NOW | Pinangungunahan nina Dr. Eder Redublo, City Youth and Sports Development Officer Marvin Panahon, at City Administrator Bobbie Navaro ang isinagawang coordination meeting ng Community Affairs Office at Liga ng mga Barangay bilang paghahanda para sa nalalapit na Job Fair 2026.
Layunin ng pagpupulong na tiyakin ang maayos na koordinasyon at matagumpay na pagsasagawa ng naturang aktibidad na gaganapin sa Mayo 13, 2026, mula 8:00 AM hanggang 3:00 PM sa City Hall 2nd Floor.
Kabilang sa mga tinalakay ang pakikipag-ugnayan sa mga barangay, employers, at iba’t ibang ahensya upang mas mapalawak ang oportunidad sa trabaho para sa mga Calapeño job seekers. Pinag-usapan din ang mga serbisyong ilalaan upang maging mas maayos at maginhawa ang pagdalo ng mga aplikante.
Magkakaroon din ng LIBRENG SAKAY para sa mga dadalo ng job fair, na may pick-up at drop-off points sa Sta. Isabel at Calapan City Plaza.
Inaanyayahan ang lahat ng naghahanap ng trabaho na dalhin ang kanilang resume at samantalahin ang pagkakataong makakonekta sa iba’t ibang recruiters at kumpanya sa lungsod. Kitakits tayo!!!








