Patuloy ang pagpapatupad ng malawakang cleanliness drive ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan bilang bahagi ng ating pangakong mapanatili ang isang malinis, maayos, at maipagmamalaking lungsod para sa bawat Calapeño.
Kasalukuyang isinasagawa ang repainting ng mga gutter at bangketa, kasabay ng tuloy-tuloy na paglilinis sa iba’t ibang bahagi ng lungsod upang higit pang mapaganda at mapanatili ang kaayusan ng ating kapaligiran.
Hindi lamang ito simpleng paglilinis—ito ay simbolo ng disiplina at sama-samang pagkilos tungo sa isang Maayos na Bayan, Sigurado!








