Welcome to Calapan City!

Ngiti ng Bata’y Sulit, Gamit sa Paaralan ay Hatid

Matapos ang isinagawang pamamahagi ng school supplies kahapon, ipinagpatuloy ngayong araw ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang nasabing aktibidad bilang karugtong na hakbang upang maipamahagi ang libu-libong school supplies sa humigit-kumulang 19,000 mag-aaral sa pampublikong paaralan, kabilang ang 17,000 mula Kinder hanggang Grade 6 at 2,000 daycare children.
Pinangunahan nina Mayor Doy C. Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio, kasama ang Sangguniang Panlungsod, ang pagpapatuloy ng distribusyon sa tulong ng City Education Department sa pangunguna nina Ms. Marvie Mañibo, MPM – CED OIC, at Mr. Allan Paigao ng DepEd SGOD. Ipinapakita nito na hindi tumitigil ang pamahalaang lungsod sa paghahatid ng serbisyo at kaginhawahan sa mamamayan ng Calapan, lalo na sa patuloy na pagsuporta sa edukasyon at kinabukasan ng kabataang Calapeño.
Gamit sa paaralan, hatid na kaagapay sa kinabukasan. Bawat ngiti ng bata, tagumpay ang siyang simula.
 
#AksyonAgadII
#MaayosnaBayanSigurado
#SchoolSupplyDistribution
 
(Kate R. Redublo/CIO)