Welcome to Calapan City!

Expanded Cash Assistance for Octogenarians, Nonagenarians & Centenarians

Ika-4 ng Mayo isinagawa ang pagbibigay ng pagkilala sa ating mga nakatatandang mamamayan sa ilalim ng Republic Act No. 11982 (Expanded Centenarian Act). Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) sa pamumuno ni Ma’am Imelda G. Dacillo, bilang katuwang ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa pamamahagi ng tulong at upang maisakatuparan ang aktibidad na ito.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11982, ang mga senior citizen na edad 80, 85, 90, at 95 na taong gulang ay makakatanggap ng ₱10,000 cash incentive, habang ang mga umabot sa edad na 100 taong gulang ay makakatanggap ng ₱100,000 bilang pagkilala sa kanilang mahabang buhay at maging hatid tulong na rin sa kanilang mga pangangailangan.
May kabuoang 203 na benepisyaryo mula sa ating lungsod ng Calapan na may bilang na 157 na centenarians, kasabay ang Baco na may bilang na 14 at Puerto Galuera na may bilang na 32.
Layunin nito na mabigyan ng pagkilala ang kanilang mahabang buhay sa kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan at hatid din nito ang makatulong sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan, maging sa problemang financial.

(Irish Caro / CIO SPES)