Welcome to Calapan City!

Serbisyo sa Bayan, Navy Hiring sa Calapan!

Ang Philippine Navy Mobile Recruitment Team ng Navy Personnel Management Center (NPMC) ay darating sa Mindoro para magsagawa ng Recruitment Activity—isang pagkakataon tungo sa buhay na may dangal at serbisyo.
Malugod na tinatanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamahal ni Mayor Doy C. Leachon at ng City PESO, ang Philippine Navy sa pagdaraos ng aktibidad na ito dito sa ating lungsod.
Ito ay isang magandang oportunidad para sa mga nagnanais maglingkod sa bayan nang may katapangan, disiplina, at dedikasyon. Sumali sa hanay ng ating mga maritime defenders at simulan ang makabuluhang karera sa serbisyo publiko.
Hinihikayat ang lahat na samantalahin ang pagkakataong ito, sa darating na ika 11-13 ng Mayo taong kasalukuyan na gaganapin sa City College of Calapan.
Para sa iba pang impormasyon at mga katanungan, makipag-ugnayan sa Calapan City PESO.
📞 09778521003 / 09509238585
FB Page: City Public Employment Service Office-Calapan
 
(Kate R.Redublo/CIO)