Welcome to Calapan City!

TAGUMPAY TUNGO SA WORLD-CLASS NA SERBISYO: CALAPAN CITY, RECOMMENDED PARA SA ISO 9001:2015!

TAGUMPAY TUNGO SA WORLD-CLASS NA SERBISYO: CALAPAN CITY, RECOMMENDED PARA SA ISO 9001:2015!

Isang makasaysayang yugto para sa ating mahal na Lungsod! Matapos ang masusing Stage 2 ISO Audit sa iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, opisyal nang inirekomenda ng mga auditor ang ating lungsod para sa ISO 9001:2015 Certification.
Ang rekomendasyong ito ay bunga ng ating kolektibong pagsisikap na i-standardize ang ating mga proseso at itaas ang kalidad ng serbisyo publiko. Patunay ito na ang bawat transaksyon sa ating city hall ay sumasalamin sa tapat, mabilis, at de-kalidad na pamamahala.
Salamat sa lahat ng kawani at pinuno ng bawat departamento sa inyong dedikasyon. Ang tagumpay na ito ay alay natin sa bawat Calapeño!