Welcome to Calapan City!

Tuloy-tuloy ang Pagkilos para sa Excellence!

Isinagawa ngayong araw ang ISO Stage 2 Audit Meeting sa Conference Hall ng City Government of Calapan. Ang pagpupulong na ito ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang departamento ng ating lungsod na katuwang sa pagpapanatili ng mataas na kalidad ng serbisyo.
Layunin ng audit na ito na masigurong pasok ang ating mga sistema at proseso sa pandaigdigang pamantayan upang muling makamit ng Calapan ang pagiging ISO Certified. Patunay lamang ito na ang bawat Calapeño ay nararapat sa isang tapat, mabilis, at de-kalidad na pamamahala!