Welcome to Calapan City!

PAGPUPUGAY SA KATATAGAN AT KAKAYAHAN NG KABABAIHANG MAY KAPANSANAN!

Matagumpay na idinaos ang pagdiriwang ng National Women with Disabilities Day sa Calapan City Convention Center. Ang nasabing programa ay pinangunahan ng ating Persons with Disability Affairs Office (PDAO) sa ilalim ng pamumuno ni Ms. Glenda D. Valerio, OIC.
Naging makabuluhan ang aktibidad sa tulong nina Dra. Teresita N. Bolor, M.D. at Dra. Rachelle Ann Mae V. Aranez, M.D. mula sa City Health and Sanitation Department, kasama si Konsehal Rafael L. Infantado, na nagbahagi ng kanilang kaalaman bilang mga Resource Speakers.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng adbokasiya ni City Mayor Doy Leachon na tiyaking “Walang Maiiwan” sa bawat sektor ng ating lipunan. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang lahat ay kabilang at kakalingain—anuman ang pisikal na kalagayan—lalo na ang ating mga kababaihang may kapansanan na sentro ng selebrasyong ito.
 
#CalapanCity #NationalWomenWithDisabilitiesDay #PDAO #MayorDoyLeachon #InclusionMatters #SerbisyongMayKalinga