Welcome to Calapan City!

PAGKAKAISA PARA SA MAS MASIGLANG EKONOMIYA NG ORIENTAL MINDORO!

Matagumpay na idinaos ang 1st Quarterly Meeting ng mga Business Permit and Licensing Officers (BPLO) ng buong lalawigan ng Oriental Mindoro sa Conference Hall ng Calapan City Hall.
Pinangunahan ang pagtitipon ni Mr. Arnel A. Dalisay, Calapan BPLO OIC, kaisa si City Administrator Angel Navarro na dumalo bilang kinatawan ni City Mayor Doy Leachon. Ang mahalagang pulong na ito ay nakatuon sa pagpapahusay ng mga proseso sa pagnenegosyo at pagpapatupad ng “Ease of Doing Business” sa ating lalawigan.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat BPLO, tinitiyak natin na ang Calapan City at ang buong Oriental Mindoro ay nananatiling sentro ng komersyo na may mabilis, maayos, at tapat na serbisyo para sa lahat ng mga mamumuhunan at lokal na negosyante.
 
#CalapanCity #OrientalMindoro #BPLO #1stQuarterlyMeeting #MayorDoyLeachon #EaseOfDoingBusiness #EconomicProgress