Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni City Vice Mayor Bim Ignacio katuwang ang City Nutrition Office sa pamamahala ni CNAO Madam Glenda Raquepo ang MELPPI Pro Results Feedbacking and Exit Conference bilang bahagi ng patuloy na pagsusuri at pagpapabuti ng mga programang pangkalusugan at nutrisyon sa komunidad.
Kaagapay ang Regional Monitoring and Evaluation of the Local Level Plan Implementation Protocol (MELLPI Pro)Feedbacking in Calapan City katuwang ang Regional Nutrition Evaluation Team headed by NNC MIMAROPA Regional Nutrition Program Coordinator Ms. Ma. Eileen B. Blanco, Ma. Nina Christina C. Parungao, Ms. Jude Reyes, Mr. Florius De Uno Anies, Ms Ruby T. Oncita (DAR-MIMAROPA) Ms. Cariza Espiritu (DepDev-MIMAROPA) and Ms. Dylyn Galoyo (DA-MIMAROPA). Regional MELLPI Pro FeedbackingEvaluation for:CROWN Award LGU Calapan City Regional Outstanding Barangay Nutrition Scholar 2025 – Kristel Marie Tolentino – Brgy. Suqui Regional Outstanding Barangay Nutrition Committee 2025- Brgy. Suqui, layunin ng aktibidad na ito na maibahagi ang mga resulta ng implementasyon ng mga programa, matukoy ang mga kalakasan at kahinaan, at makapaglatag ng mas epektibong plano para sa susunod na hakbang. Mahalaga ang gawaing ito upang masigurong ang bawat inisyatiba ay nakatutugon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan at nagdudulot ng pangmatagalang benepisyo sa kalusugan ng komunidad.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagsusuri at pagbabahaginan ng kaalaman, mas pinagtitibay ang layunin ng lungsod na makamit ang mas maayos, mas malusog, at mas masiglang mamamayan ng Calapan.
#AksyonAgadII
#MaayosnaBayanSigurado
(Kate R. Redublo/CIO)











