๐๐๐ค๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐๐ง๐ : ๐๐๐ฅ๐๐ฉ ๐
๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ฅ ๐๐ซ๐๐ง๐ ๐
๐ฅ๐จ๐๐ญ ๐๐จ๐ฆ๐ฉ๐๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง
Isang makulay at kahanga-hangang pagpapakita ng sining at pagkamalikhain ang nasaksihan sa isinagawang Kalap Grand Float Competition noong ika-21 ng Marso, kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod ng Calapan.
Matapos ang Misa ng Pasasalamat, masiglang nagparada ang ibaโt ibang kalahok na tunay na nagpakitang-gilas sa kanilang mga bongga, makukulay, at napaka-creative na float. Tampok ang detalyadong disenyo, makukulay na dekorasyon, at makabagong konsepto na sumasalamin sa kultura, kasaysayan, at patuloy na pag-unlad ng lungsod.
Bawat float ay tunay na obra na nagpapakita ng husay, tiyaga, at pagkakaisa ng bawat Calapeรฑo.
Pagbati sa mga nagwagi:
1st Place โ McDonald’s Calapan – may premyong 150,000.00 pesos
2nd Place โ Southwestern – may premyong 100,000.00 pesos
3rd Place โ MINSU – may premyong 75,000.00 pesos
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa, nakilahok, at nagpakita ng mainit na suporta sa mga naging aktibidad ng Kalap Festival. Ang inyong pakikiisa ang nagbigay-buhay at saysay sa pagdiriwang na ito. Patunay ang okasyong ito na buhay na buhay ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahal sa Calapan.
Isinagawa ang awarding ceremony para sa mga nanalo sa Kalap Grand Float Competition, Lunes ika 23 ng Marso, kasabay ng regular Monday flag raising ceremony ng Pamahalaang Lungsod, na personal na pinangunahan ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon.
#AksyonAgadII
#MaayosnaBayanSigurado
#KalapFestival2026
(Kate R. Redublo/CIO)


