Welcome to Calapan City!

CHILD DEVELOPMENT CENTER RECOGNITION CEREMONY S.Y. 2025-2026

PAGPUPUGAY SA MGA MUNTING CALAPEÑO: CHILD DEVELOPMENT CENTER RECOGNITION CEREMONY (BATCH 2) 
Isang makabuluhang Linggo para sa ating mga munting mag-aaral! Ginanap nitong March 22, 2026, sa Calapan City Convention Center ang Child Development Center Recognition Ceremony (Batch 2) para sa S.Y. 2025-2026.
Pinangunahan ni City Mayor Doy Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio na kapwa nagbigay ng inspirational message sa mga batang nagsipagtapos at sa mga magulang, katuwang din si Ms. Juvy Bahia, RSW (City Social Welfare and Development Officer), ang pagkilala sa pagsisikap, pag-unlad, at tagumpay ng mga bata sa kanilang unang hakbang sa mundo ng edukasyon.
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa mga bata, kundi patunay ng matibay na pakikipagtulungan ng ating lokal na pamahalaan, dedikadong mga guro, at mapagmahal na mga magulang. Sama-sama nating hinuhubog ang pundasyon ng susunod na henerasyon ng mga Calapeño!
Congratulations sa ating mga graduates at achievers! 
#CalapanCity #Recognition2026 #MayorDoyLeachon #BatangCalapeño #CSWDD