Kasabay ng regular na Monday Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, isinagawa ang CGClympics Awarding Ceremony kung saan kinilala ang mga nagwagi at nangibabaw sa iba’t ibang laro, kaganapan, at aktibidad ng CGClympics—bilang bahagi ng selebrasyon ng Kalap Festival 2026 at ika-28 taon ng pagiging lungsod ng Calapan.
Pinangunahan ito ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon, kasama ang City Youth and Sports Development Department (CYSDD) sa pamamahala ni Mr. Marvin Panahon, na naging susi sa matagumpay na pagsasagawa ng mga aktibidad para sa mga kawani.
Higit pa sa simpleng palaro, ang CGClympics ay nagsilbing mahalagang plataporma upang mapalakas ang samahan, kooperasyon, at camaraderie ng mga kawani. Sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, napapalalim ang pagtutulungan, komunikasyon, at tiwala sa isa’t isa—mga elementong mahalaga sa isang produktibo at maayos na serbisyo publiko.
Sa kabuuan ng CGClympics, nasaksihan ang husay, dedikasyon, at sportsmanship ng bawat kalahok, patunay ng aktibong pakikiisa ng mga kawani sa mga programang nagpapalakas hindi lamang ng katawan kundi pati ng pagkakaisa sa loob ng pamahalaan.
#AksyonAgadII
#MaayosnaBayanSigurado
#CGClympics
(Kate R. Redublo/CIO)















