Isang karangalan para sa Lungsod ng Calapan ang makilahok sa 2026 Smart City Summit and Expo na ginanap sa Taipei, Taiwan.
Kinatawan ng lungsod si Engr. Alven De Guzman, OIC-MISO, na nakibahagi sa mahahalagang talakayan kasama ang mga alkalde at lider mula sa iba’t ibang smart cities sa buong mundo, gayundin ang mga nangungunang executive ng malalaking kumpanya sa teknolohiya at mga innovator.
Layunin ng nasabing pagtitipon na ibahagi ang mga makabagong solusyon at inisyatiba tungo sa mas episyente, ligtas, at progresibong mga lungsod—isang mahalagang hakbang para sa patuloy na pag-unlad ng Calapan tungo sa #MaayosnaBayanSigurado
#AksyonAgadII #CityInformationOffice













