





Mas Pinalakas na Koordinasyon para sa Kaunlaran ng Calapan City
City Development Council Full Council Meeting 2026
Isinagawa ang City Development Council Full Council Meeting sa Calapan City Convention Center na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang barangay, sektor, at mga department heads ng Calapan City.
Pinangunahan ito ni Mayor Doy C. Leachon bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan at koordinasyon ng lokal na pamahalaan at iba’t ibang sektor ng komunidad.
Inaasahang magsisilbing mahalagang hakbang ang pagtitipong ito sa mas maayos na pagpapatupad ng mga programa at inisyatiba na naglalayong itaguyod ang inklusibong kaunlaran at mas epektibong serbisyo para sa mga mamamayan ng lungsod, tungo sa Maayos na Bayan Sigurado.