Welcome to Calapan City!

CGC Lympics 2026 Opening | Kalap Festival 2026

Masayang nagbukas ang CGC LYMPICS 2026 bilang bahagi ng selebrasyon ng Kalap Festival sa lungsod ng Calapan.
 
Sama-samang nagtipon ang mga kalahok at manlalaro upang makiisa sa mga palaro tulad ng bowling, billiards, table tennis, at darts, na ginanap sa Kamada Toomba, Masipit ngayong ika-13 ng Marso 2026.
 
Personal na dumalo si Doy C. Leachon upang tiyakin ang maayos at masayang pagbubukas ng mga palaro, at upang ipakita ang suporta ng pamahalaang lungsod sa mga programang nagtataguyod ng pagkakaisa, aktibong pamumuhay, at camaraderie sa hanay ng mga kalahok.
 
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na adhikain ng pamahalaang lungsod na palakasin ang samahan at sigla ng komunidad sa pamamagitan ng sports at makabuluhang pagdiriwang.