




Incident Management Team Meeting, Isinagawa
ย
Upang matiyak ang ligtas, maayos, at matagumpay na pagdaraos ng Kalap Festival 2026 na nakaangkla sa ika-28 anibersaryo ng pagiging lungsod ng Calapan, ika 12 ng Marso nagdaos ng pagpupulong ang Incident Management Team upang pagtibayin ang mga hakbang para sa seguridad, kaayusan, at kahandaan ng lahat ng konsernadong departamento at opisina sa nalalapit na pagdiriwang.
ย
Ang naturang pagpupulong ay isinagawa sa inisyatiba ni Mayor Doy C. Leachon at City DRRM Officer, Mr. Dennis Escosora na dinaluhan ni CA Angel Navarro, kasama ang mga kinauukulang department heads, program managers, at mga office heads ng pamahalaang lungsod.
ย
Sa pulong, umikot ang talakayan sa kahalagahan ng safety and security ng mga participants, spectators, at organizers. Tinalakay rin ang maayos na crowd management upang maiwasan ang anumang kaguluhan o hindi inaasahang insidente habang isinasagawa ang mga programa ng Kalap Festival.
ย
Napag-usapan din ang kahandaan sa pagbibigay ng agarang medical response at iba pang emergency services sakaling magkaroon ng pangangailangan. Kabilang dito ang paglalagay ng mga medical teams, ambulansya, at iba pang kinakailangang kagamitan upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa anumang sitwasyon.
ย
Binigyang-diin ng mga dumalo sa pulong na prayoridad ng Incident Management Team ang kaligtasan ng lahat kasabay ng kasiyahan at pagdiriwang ng buong Calapan. Kaugnay nito, mahigpit na ipatutupad ang mga itinakdang safety protocols upang matiyak ang maayos, ligtas, at matagumpay na pagdaraos ng Kalap Festival 2026.