





Pinalalakas ang Kahandaan: Survival Swimming Training, Isinagawa sa Lungsod ng Calapan
Kaugnay ng selebrasyon ng National Women’s Month, pinangunahan ng GAD (Gender and Development) sa pamamagitan ni Ms. Ma. Ellaine Diomampo, Gad Focal Person ang pagsasagawa ng Survival Swimming Training para sa mga kasapi ng Local Council for Women sa iba’t-ibang barangay.
Matagumpay na pinangasiwaan ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) ang Survival Swimming, BLS, SFA at Water Safety na naglalayong palakasin ang kahandaan ng ating kababaihan sa komunidad.
Mahalaga ang ganitong pagsasanay dahil nagbibigay ito ng kasanayan at tiwala sa mga kalahok, lalong higit sa ating mga kababaihan upang maging handa sa anumang insidente o emergency.
Bukod sa kaligtasan ng indibidwal, pinapalakas din nito ang kakayahan ng lungsod na tumugon at makatulong sa mas maraming tao sa oras ng pangangailangan.
Ang gawaing ito ay susi sa ligtas at mas handang lungsod ng Calapan!