






Nagtungo sa Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang Nueva Ecija League of Market Administrators, Inc., kasama ang kanilang mga key elected officers, para sa isang capacity building activity. Hinarap sila ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon, CA Angel Navarro, City Tourism, Culture and Arts Office sa pamumuno ni Mr. Christian Gaud, City Economic Enterprises Department (CEED) sa pamumuno ni EnP. Nepo Jerome G. Benter at DTI Provincial Director Arnel Hutalla.
Sa kanilang pagbisita, sinuri nila ang iba’t ibang opisina at programa ng lungsod, kung saan malugod namang ibinahagi ng CTID, BPLO, at CEED ang kanilang mga best practices. Pinagtuunan ng pansin ang mga sistematikong proseso at epektibong programa na nakakatulong sa pagpapabuti ng serbisyo publiko, pagpapaunlad ng negosyo, at pagpapalakas ng komunidad. Ang aktibidad ay nagbigay-daan sa mas malalim na pag-unawa ng mga kalahok sa praktikal na pamamalakad at naghatid ng mga ideya na maaari nilang isabuhay sa kanilang sariling administrasyon at pamilihan.