Welcome to Calapan City!

Tapat at Maaasahan: Kawani ng CGC, Bida sa Katapatan!

Sa isinagawang regular na Monday Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, muling pinagtibay ng mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan ang kanilang paninindigan sa tapat at dekalidad na paglilingkod sa mamamayan. Bahagi ng programa ang pagbibigay ng pagkilala sa isang kahanga-hangang halimbawa ng katapatan mula sa hanay ng empleyado ng pamahalaang lungsod ng Calapan.
 
Ikinarangal ng City Government of Calapan (CGC) ang katapatan, integridad, at malasakit na ipinamalas ni G. Gomer Herrera, isang kawani ng MIS Office, matapos niyang isauli ang nakita at napulot nitong mobile phone na kalaunan ay napag-alamang pagmamay-ari ni Mr. Troy Jordan S. De Asis na residente ng Barangay Personas.
 
Natagpuan ni “Kuya Gomer” ang cellphone malapit sa Legislative Building ng City Government of Calapan at napagdesisyunang hanapin at ibalik sa tunay na may-ari. Ang aksyong ito ni “Kuya Gomer” — patunay ng tapat at responsableng paglilingkod sa pamahalaan! Saludo ang mga Calapeño sayo!