Welcome to Calapan City!

67th Public Library Day: Public Libraries in Action: Blueprint of an Empowered Community

Library on Wheels, Hatid Kaalaman sa mga Mag-aaral ng Parang Elementary School
 
Sa pangunguna ng Calapan City Public Library na pinamumunuan ni Madam Claire P. Benter, City Librarian, isinagawa ang Library on Wheels sa Parang Elementary School kung saan nakibahagi ang mga mag-aaral sa pagbabasa ng iba’t ibang aklat at mga gawaing pang-edukasyon.
 
Layunin ng programa na mahikayat ang mga kabataan na mahalin ang pagbabasa at mapalawak ang kanilang kaalaman. Bahagi rin ito ng patuloy na literacy development initiatives na target tutukan ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon upang higit pang mapalakas ang kakayahan sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral sa lungsod.
 
Nagpasalamat naman ang pamunuan ng paaralan sa Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa City Public Library at sa BLISS students mula sa City College of Calapan sa pagdadala ng makabuluhang programa para sa kanilang mga mag-aaral.