Welcome to Calapan City!

WEEKLY CLEAN-UP OF CGC DEPARTMENTS AND OFFICES

Malinis na Opisina, Maayos na Serbisyo
 
Pinangunahan ni City Mayor Doy C. Leachon ang kampanya kung saan ang mga empleyado ng City Government of Calapan ay sama-samang naglinis ng kani-kanilang opisina at paligid. Layunin ng inisyatibang ito na mapanatili ang kaayusan, kalinisan, at kaigihan ng tanggapan, habang pinapalakas ang disiplina at malasakit sa kapaligiran.
 
Hindi lamang simpleng paglilinis ang isinasagawa—ito ay simbolo ng pagiging huwarang lingkod-bayan. Ipinapakita ng bawat empleyado na ang pagbabago at kaayusan ay nagsisimula sa kanilang sariling kilos at pagtutulungan.