Welcome to Calapan City!

FIRST FRIDAY MASS

Isinagawa ang First Friday Mass ngayong buwan ng Marso na pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan bilang pasasalamat at paghingi ng patnubay at gabay sa Diyos at sa ating patron na si Sto. Niño.
 
Sama-samang nanalangin para sa matagumpay at mapayapang pagdaraos ng Kalap Festival, 28th City Hood Anniversary ng Calapan, gayundin ang kaligtasan at kapayapaan ng lahat, lalo na ang mga apektado ng kaguluhan at digmaan sa Middle East. Ito rin ay nagsilbing paghahanda ng bawat isa sa nalalapit na Holy Week—isang panahon ng pagninilay, paghahanda ng sarili, kaluluwa, at pagpapatibay ng pananampalataya.