




Orientation ng DOLE‑TUPAD sa Fiberglass Bangka sa Calapan City
Huwebes ika 5 ng Marso nasa 130 indibidwal mula sa mga barangay ng Tawagan, Mahal na Pangalan, Baruyan, Canubing 1, Masipit, Nag-iba I at II ang sumailalim sa Orientation ng DOLE‑TUPAD Training and Production para sa paggawa ng fiberglass bangka sa lungsod.
Ayon kay City PESO Manager, Dr. Eder Apolinar M. Redublo, katuwang ang DOLE TUPAD Coordinators, layunin ng programa na magbigay ng pansamantalang trabaho at bagong kasanayan sa mga benepisyaryo, kung saan matututo silang gumawa ng bangka na magagamit sa sariling kabuhayan o pangingisda. Mabibigyan nito ng pagkakataon ang mga kalahok na magkaroon ng dagdag kita at mapalakas ang kanilang komunidad sa pamamagitan ng practical skills training.
Ayon kay Calapan City Mayor Doy C. Leachon, ang ganitong proyekto ay mahalaga dahil hindi lamang ito nakakatulong sa panandaliang sahod, kundi sa pangmatagalang kabuhayan at pag‑unlad nila.
Ang pagtutulungan ng City PESO, FMO, DOLE, at BFAR ay nagpapakita ng pagkakaisa sa pag‑angat ng kabuhayan ng mga mamamayan ng Calapan.