Welcome to Calapan City!

CITY GOVERNMENT OF CALAPAN PASSES ISO 9001:2015 STAGE 1 AUDIT

CONGRATULATIONS!
Matagumpay na naipasa ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang Stage 1 Audit ng Quality Management System na isinagawa ng Certification International Philippines.
 
Inirekomenda na ang lungsod na sumailalim sa Stage 2 Audit — isang hakbang na lamang tungo sa pagkamit ng ISO 9001:2015 Certification.
 
Sa pamumuno ni Doy C. Leachon, na pangunahing nagsusulong na muling makamit ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang ISO Certification, patuloy na pinagtitibay ang layunin na maihatid ang maayos at de-kalidad na serbisyo publiko para sa bawat Calapeño.