






Hooked sa Fun sa CGClympics Angling/Fishing Tournament
Huli ang saya!
Tingnan mo ito Calapeño!
First time ever sa CGClympics, naisagawa ang isang masaya at nakaka‑excite na fishing showdown – CGClympics Angling/Fishing Tournament, na puno ng mga hook, big catches, good vibes, at tunay na festival spirit!
Ang event na ito ay isinagawa dahil nais ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon na maka-relax ang mga CGC employees, ma-experience ang kanilang passion sa pangingisda, at higit sa lahat – mag-enjoy! Patunay lang din ito na ang mga empleyado ng City Hall ay hindi lang nakatuon sa opisina at papel-papel na trabaho — sila rin ay may iba’t ibang talento, hilig, at kakayahan na kayang i-explore sa labas ng kanilang regular na tungkulin.
Great job sa lahat ng sumali at nagbigay saya sa event na ito — isa itong makasaysayang moment sa Kalap Festival na hindi basta-basta malilimutan!
Hindi maitatanggi na bawat empleyado ay higit pa sa kanyang desk, at kayang gumawa ng kasaysayan sa kahit anumang larangan.